Ipinag-utos na ng commander ng russian forces ang paglikas ng kanilang residente sa Kherson City dahil sa Rocket Attack ng Ukraine.
Ayon kay General Segei , uunahin na nilang iligtas ang kanilang mga residente matapos targetin ng Ukraine troops ng Himar rockets ang mga imprastraktura at mga bahay sa lungsod.
Nagbabala naman si Russian-installed Regional Official Kirill Stremousov sa mga residente ng kherson sa posible pang pagsalakay ng Ukrainian troops.
Ang Kherson ay Port City ng Ukraine na nagsisilbing administrative centre of Kherson Oblast.