Posibleng ilikas ng lokal na pamahalaan ng Samar ang mga binahang residente nito dahil sa low pressure area.
Ayon kay Manuel Van Torrevillas, pinuno ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office, ina-assess na ng Engineering Office ang low lying areas at mga bahay na palagiang binabaha kung saan magandang paglipatan sa mga ito o ma-relocate sa mas mataas na lugar.
Sinabi ni Torrevillas na nakabalik na rin sa kani kanilang mga bahay ang halos 21,000 families na una na nilang inilikas.
Kasabay nito, nagpapasaklolo na rin si Torrevillas para sa sektor ng agrikultura sa lalawigan.