Pagkain, tubig at tent na pwedeng gamiting masilungan.
Ito ang mga pangunahing pangangailangan ng mga residenteng naapektuhan ng bagyong Odette sa Siargao Island.
Bukod dito, ipinabatid ng mga otoridad na ang bayan ng General Luna ang isa sa mga pinakamatinding naapektuhan ng bagyong Odette matapos nitong wasakin ang mga bahay gayundin ang mga hotel at resort at maging ang mga puno ng niyog na pinagkakakitaan ng mga residente ay itinumba rin ng bagyo.
Sa ngayon ay 16 katao na ang naitalang patay sa Siargao dahil sa bagyo at maraming mga lugar pa rin dito ang mahirap daanan.