Higit tatlong daan at limampung (350) residente ang inilikas matapos na sumalakay ang New People’s Army (NPA) sa isang komunidad sa Barangay Hinimbangan, Kitcharao, Agusan del Norte.
Ito ay sa gitna pa rin ng pagpapatuloy ng usaping pangkapayapaan sa pagitan ng gobyerno at CPP-NPA-NDF.
Ayon kay 2nd Lt. Ashley del Rosario ng Civil Military Operations, agad na kumilos ang tropa ng 29th Infantry Battalion kontra sa mga rebelde.
Kinansela rin ang pasok ng mga estudyante at guro dahil sa kaguluhan.
By Rianne Briones