Lumikas matapos bahain ang ilang mga residente sa Aklan dahil sa patuloy na pag-ulan bunsod ng Low Pressure Area (LPA).
Kabilang sa binaha ang mga bayan ng Libacao, Madalag at Kalibo kung saan, nananatiling nasa evacuation center ang ilang mga residente na lumikas makaraang ipatupad ang forced evacuation dahil sa pagtaas ng lebel ng tubig sa Aklan River.
Ayon sa Provincial at Municipal Disaster Risk Reduction and Management Council, minomonitor na nila ang posibleng pag-apaw ng ilog dahil sa patuloy na pag-ulan. —sa panulat ni Angelica Doctolero