Balik normal na ang pamumuhay ng mga residente sa mga lugar sa Australia na hinagupit ng bagyong Debbie.
Ayon sa mga Pilipinong residente ng Melbourne, mabilis silang nakarekober dahil sa pagtutulungan ng mga otoridad at residente sa clearing operations.
Bukod pa anila ito sa tulong ng gobyerno sa mga naapektuhan lalo na ang mga magsasaka na binigyan ng puhunan matapos masira ng bagyo ang kanilang mga pananim.
Ipinabatid ng mga Pinoy na baha pa sa Gold Coast subalit hindi na ito nakakaapekto sa iba pang residente.
Tila nabunutan naman ng tinik ang mga Pilipino dahil walang Pinoy na kabilang sa mga casualty dahil sa bagyong Debbie.
By Judith Larino