Sa ikalawang araw ng kanilang pagbabalik sa kani-kanilang tahanan –abala pa rin ang mga residente ng iba’t ibang bayan ng Batangas sa paglilinis.
Ayon sa mga residente, posibleng abutin pa sila ng isang linggo bago tuluyang matanggal ang makapal na abo sa bubong ng kanilang mga tahanan at sa kapaligiran.
Samantala, natanggal na ng local government units (LGUs) ang mga harang at makapal na abo sa mga kalsada.
Gayunman, nananatiling sarado ang halos lahat ng establishments sa kabila ng pagkakatanggal ng lockdown.