Inilikas na ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard sub-station Santa Ana ang ilang residente sa Cagayan dahil sa bagyong Neneng.
Batay sa PCG, kasulukuyang nasa 170 pamilya at nasa 423 indibidwal naman ang nailikas at nadala sa mga evacuation center ng PCG.
Kasama ng Philippine Coast Guard ang Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) Santa Ana at Marines Battalion Landing team-10 (MBLT-10) sa rescue operation. —mula sa panulat ni Jenn Patrolla