Libu-libong mga residente ang nananatili pa rin sa mga evacuation centers matapos ang pag-landfall ng bagyong Odette sa Eastern Visayas.
Nasa 99 na pamilya ang ginawang evacuation center ang isang kweba sa Samar.
Ayon sa isang residente, ito ang kanilang pansamantalang tinuluyan dahil sa takot na pananalasa ng bagyong Odette sa bahagi Brgy. Caluwayan, Marabut Samar.
Samantala, nagkaroon din ng mga power interruption sa iba’t -ibang bahagi ng rehiyon dahil sa bagyo kung saan nagkaroon ng sunog sa Brgy. Luyo, Basey, Samar na naging dahilan ng pansamantalang interruption ngunit agad naman itong nirespondehan. —sa panulat ni Kim Gomez