Inilikas ng mga awtoridad ang mga residente sa apat na villages sa Zeria region, Greece dahil sa forest fire.
Tinatayang mahigit 100 firefighters, 50 truck, at walong firefighting planes at helicopters ang idineploy at nagtulong-tulong para maapula ang malawak na sunog.
Maliban sa mga bahay na nilamon ng apoy, apat na residente rin ang isinugod sa ospital matapos mahirapang huminga.
Bagama’t tuwing summer ay may nagaganap na forest fire sa Greece, mas pinalalala umano ito ng kasalukuyang global warming.