Sapilitan nang inilikas ng pamahalaan ang lahat ng residenteng nasa mapanganib na lugar sa Itogon, Benguet.
Ayon kay Chief Supt. Rolando Nana, hepe ng Philippine National Police – Cordillera Administrative Region (PNP-CAR), paghahanda nila ito sa pagdating ng Bagyong Paeng.
Una rito, inihayag ni presidential political adviser na pumayag na ang Archdiocese ng Baguio na patuluyin muna sa kanilang dormitoryo ang mga evacuees.
“Tuloy-tuloy po Sir ang ating mga kapulisan dahil ang Benguet ay nagpadala ng karagdagang mga kapulisan papunta sa Itogon, sa iba’t-ibang barangay yung mga concern barangays para sa ganoon tumulong sa mga barangay officials sa preemptive at forced evacuation po.” Pahayag ni Chief Supt. Nana.