Pinalilikas na ng Russian government ang mga residente sa Kherson City kasunod ng rocket attack ng Ukraine kung saan, target nito ang mga imprastraktura at mga bahay sa lungsod.
Ayon sa russian forces sa Ukraine, mahirap ang sitwasyon ngayon sa Southern City ng Kherson kaya sapilitan nang pinalilikas ang mga residente.
Matatandaang kabilang ang Kherson sa mga rehiyon ng Ukraine na naging annex o naangkin ng Russia sa gitna ng patuloy na bakbakan ng dalawang bansa.
Sa kabila nito, siniguron ng russian forces na kanilang uunahin ang kaligtas ng mga lumilikas na residente sa Kherson.