Napilitang lumikas ang mahigit 300 residente ng Barangay Hinimbangan, Kitcharao, Agusan Del Norte matapos paulanan ng bala ng mga rebeldeng New People’s Army o NPA ang lugar.
Ayon kay 2nd Lieutenant Ashley Mae Del Rosario ng 29th Infantry Battalion, may mga sundalong naroroon sa komunidad na nagsasagawa ng Oplan Bayanihan nang mangyari ang pag-atake kahapon.
Ito na, aniya, ang ikatlong paglusob ng mga rebelde sa nasabing barangay.
Dahil dito, napilitan na rin ang mga eskwelahan doon na kanselahin ang klase.
Samantala, tiniyak ng military, katuwang ang pulisya, na pagtutulungan nilang maibalik ang peace and order sa naturang baranggay.
By Avee Devierte |With Report from Jonathan Andal