Problema ngayon ng lokal na pamahalaan ng Ormoc City ang ilang mga residente sa landslide prone area ng lungsod na ayaw magsilikas.
Ito ay ayon kay Ormoc City Mayor Richard Gomez, sa kabila ng kanilang mga paalala at abiso na huwag nang bumalik sa kanilang mga bahay habang nakararanas pa ng mga aftershocks ang lungsod.
Aniya, maaaring sentimental ang dahilan ng mga nasabing residente kaya hindi maiwan o patuloy na bumabalik sa kanilang mga tahanan.
Una nang sinabi ni Gomez na kanilang pinag-aaralan ang permanente pag-relocate sa mga residente mula sa apat barangay sa Ormoc dahil sa panganib na magkaroon ng mga landslides.
By Krista de Dios
Mga residente sa landslide prone areas sa Ormoc nagmamatigas lumikas was last modified: July 11th, 2017 by DWIZ 882