Halos apat na oras lamang uubrang makabalik ng kanilang mga bahay ang mga residente ng Lemery, Batangas matapos maapektuhan nang pag-aalburuto ng Bulkang Taal.
Sinabi ni Lemery Mayor Larry Alilio na maraming residente ang nakikiusap na makabalik muna sa kanilang bahay para kumuha ng ilan pang mahalagang gamit at maisalba na rin ang knialng mga alagang hayop.
Napagkasunduan aniya nila ng hepe ng Lemery Police na payagan ang mga residenteng makabalik sa kanilang mga bahay mula alas-6 ng umaga hanggang alas10 ng umaga lamang.
Alas-10 ng umaga ay epektibo na muli ang total lockdown at wala nang papayagan pang makapasok sa nasabing bayan.