Nagsimula nang magsilikas ang mga residente sa limang coastal town sa Zambales bunsod ng bagyong Karding.
Ayon sa Zambales Provincial Government, nagsasagawa na sila ng pre-emptive evacuation sa mga bayan ng Sta. Cruz, candelaria, San Antonio, San Felipe at ilang bahagi ng Subic upang matiyak ang kaligtasan ng mga residente.
Sinuspinde na rin ang ilang klase sa lahat ng lebel maging ang mga pasok sa lahat ng mga Government offices maliban sa skeletal force na nakatutok sa mga kalamidad.
Bukod pa dito, hinati narin ang buong probinsiya sa tatlong command center habang nakahanda na rin ang mga relief packs para sa mabilis na pagtugon sa mga lugar na maaapektuhan ng bagyong Karding.
Samantala, nagdeploy narin ang lokal na pamahalaan ng mga equipments, mga sasakyan, rescue groups sakaling magkaroon ng emergency bunsod ng bagyong Karding.