Matinding pagbaha ang nararanasan ng mga residente sa Makilala, Cotabato matapos bumuhos ang malakas na ulan.
Nabatid na walang choice ang mga residente kundi salubungin ang mga pagbaha para makauwi lamang sa kanilang mga bahay.
Nahirapan pa ang mga residente dahil bahang baha rin ang tulay na siyang tanging daanan ng mga residente pauwi sa kanilang mga bahay sa isang malayong barangay.
Halos magkapit kamay pa ang mga residente para hindi madulas at mahulog sa pagtawid sa bahang-bahang tulay.
Sabado pa nitong nakalipas na weekend nang magsimulang bumuhos ang malakas na ulan sa Cotabato.
By Judith Larino