Marami pa umanong residente sa Marawi City ang naiipit sa labanan ng militar at Maute group.
Napag alaman ito kay Vice Mayor Alden Maruhom ng bayan ng Marantao subalit may bahay sa Marawi City.
Tinukoy ni Maruhom ang mga Barangay Saduc Proper, Paggao Saduc at Lilod Saduc kung saan marami pa anya ang humihingi ng ayuda para maka-alis sa lugar.
Ayon kay Maruhom, mismong ang kanyang pamilya ay dalawang araw ring hindi kumain matapos maipit ng dalawang araw sa labanan.
Nang magkaroon ng pagkakataon, dinala na ni Maruhom sa kapitolyo ang tinatayang isandaan (100) katao sa kanilang barangay na naipit sa labanan kabilang ang kanyang pamilya.
“Tuloy pa po, tuloy pa po yung bakbakan. Marami pa pong sibilyan ang naipit so, gusto ko po sana humingi ng tulong, tulungan po natin yung sibilyan. Isa na po ako dun sa na-trap dun sa bakbakan, malayo sa amin yung bakbakan may mas malapit pa na tumatawag sa akin na ‘Vice tulungan nyo na po kami, hindi na po namin kaya”, ani Maruhom.
By Len Aguirre | Ratsada Balita Program (Interview)