Umaabot na sa mahigit dalawang libo at pitong daan (2,700) katao ang apektado ng malakas na ulan sa Metro Manila at mga karatig probinsya dulot ng Habagat.
Batay sa datos ng NDRRMC o National Disaster Risk Reduction and Management Council, 639 pamilya o katumbas ng 2,739 katao ang apektado ng pag-ulan hatid ng Habagat sa Metro Manila, Ilocos Region, Cagayan Valley, Central Luzon at CALABARZON.
Pumapalo naman sa 503 katao ang nananatili sa limang evacuation centers.
- Meann Tanbio