Daan-daang residente ang nagsilikas sa bayan ng Parang, Maguindanao upang makaiwas sa pang-ha-harrass ng mga miyembro ng Moro Islamic Liberation Front (MILF).
Bumaba mula sa kabundukan ang daan-daang MILF member na armado ng matataas na kalibre ng baril upang igiit ang pag-release sa nakumpiskang baril ng isa sa kanilang kasamahan.
Papalaya sa isa sa kanilang kasamahan na inaresto dahil sa pagbibitbit at pagpapaputok ng baril na walang lisensya.
Nagsasagawa na ng back-channelling talks ang Inter-Agency Parang Municipal Peace and Order Council sa pangunguna ni Mayor Ibrahim Ibay upang mapahupa ang tensyon.
By Drew Nacino
Mga residente sa Parang Maguindanao nagsilikas was last modified: April 26th, 2017 by DWIZ 882