Nailikas na ang lahat ng mga residente na nasa extended 6-kilometer permanent danger zone ng bulkang kanlaon.
Ayon kay Raul Fernandez, Director ng OCD-Western Visayas at pinuno ng Regional Task Force Kanlaon, umabot na sa isandaang porsyento ang evacuation rate sa Negros Occidental at Negros Oriental.
Batay sa datos ng OCD, umabot na sa mahigit 13,000 indibidwal ang nananatili sa mga evacuation center, at karamihan sa mga inilikas ay nagmula sa Bayan ng La Castellana.
Matatandaang ipinag-utos ng Task Force Kanlaon ang mandatory evacuation sa mga residenteng nasa loob ng permanent danger zone, kasunod ng tumataas na aktibidad ng bulkang kanlaon.