Pinalilikas na ng pamahalaan ng Puerto Rico ang mga residenteng posibleng matinding maaapektuhan ng pagtama ng Hurricane Maria.
Ayon kay Puerto Rico Governor Ricardo Rosello, kanilang inasahang magsisimulang sumama ang panahon ngayong Martes na magdadala ng malalakas na pag-uulan at pagbaha.
Nakahanda naman aniya ang nasa 450 mga temporary shelters na maaaring pansaantalang tuluyan ng mga magsisilikas.
Ang Hurricane Maria ay inaasahang magla-landfall sa silangang bahagi ng Puerto Rico at lalakas pa ito hanggang sa category 4.
—-