Aabot sa 566 na pamilya o 2,642 na indibiduwal ang apektado ng bagyong Dante sa 18 barangay sa Region 11 at 12.
Ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council o NDRRMC, mula sa nasabing bilang, 158 na pamilya o 604 na indibiduwal ang pansamantalang nanunuluyan sa 10 evacuation center .
Pinakamatinding naapektuhan ng bagyo ang Davao del Sur at Davao City sa Region 11 gayundin ang Bayan ng Banga sa South Cotabato sa Region 12.
Sa Region 12 din namonitor ng NDRRMC ang 2 isidente ng landslide, 3 pagbaha, 1 flashflood at 1 flashflood na may kasamang soil erosion
Habang isang isidente ng pagbaha naman ang napaulat sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao o BARMM