Binantaan ng alkalde ng Taal, Batangas ang mga residenteng nagmamatigas na lumikas sa kanilang mga tahanan.
Ayon kay Mayor Fulgencio Mercado, hindi makakatanggap ng rasyon ng pagkain at tubig ang mga tatangging mag evacuate sa lugar.
Aniya pagod na silang mangumbinsi sa mga residenteng ayaw pang umalis ng kanilang bahay.
Giit ng alkalde masasayang lang ang kanilang pagod kapag may nangyaring casualty.
Nagpatupad na ng force evacuation sa mga lugar na malapit sa bulkang Taal matapos dumami ang pagbibitak ng mga lupa rito na maaaring senyales umano ng mas mapanganib pang pagsabog ng nasabing bulkan.