(Updated)
Pansamantalang itinigil ang ipinatutupad na preemptive evacuation sa mga residenteng nakatira malapit sa Marikina River.
Ito’y dahil bumaba na sa 15.9 meters ang lebel ng tubig sa ilog ngayong umaga.
Matatandaang pinalikas ng lokal na pamahalaan ng Marikina ang mga residenteng nakatira sa tabi ng Marikina River matapos umabot sa 16 metro ang antas ng tubig sa ilog dakong alas-2:00 ng hapon kahapon.
Ito’y kung saan itinaas sa ikalawang alarma ang sitwasyon sa lungsod.
Ayon kay Marikina City Mayor Marcy Teodoro, oras namang umabot sa 3rd alarm o 18 metro ang taas ng tubig sa ilog ay awtomatikong ipatutupad ang forced evacuation sa mga mabababang lugar sa paligid ng Marikina River.
Kabilang sa mga nakapaligid na barangay sa Marikina River ay ang Tumana, Malanday at Nangka.
—-