Isang linggo matapos ang pagsabog ng improvised explosive devise o IED, nababahala sa kanilang kaligtasan ang mga residente sa Hilongos, Leyte.
Dahil dito, lalo pang hinigpitan ng mga awtoridad ang seguridad sa nabanggit na lugar.
Nagdagdag na ang pulisya ng checkpoints bilang bahagi ng security measure.
Samantala, iniimbestigahan pa ang nangyaring pagsabog sa pista ng Immaculate Concepcion sa bayan ng Hilongos na ikinasugat ng mahigit 30 indibidwal.
By Meann Tanbio