Nagbalikan na sa kani-kanilang bahay ang mga residente apektado ng bakbakan ng militar at BIFF o Bangsamoro Islamic Freedom Fighters sa bayan ng Pigcawayan, North Cotabato.
Ito’y kahit pa walang katiyakan kung kailan muling sisiklab ang sagupaan sa pagitan ng mga tropa ng gobyerno at teroristang grupo.
Karamihan sa mga apektado ay magsasaka sa Barangay Malagakit lalo’t nandito lamang ang kanilang ikinabubuhay.
Samantala, tiniyak naman ng militar na inalis na nila ang mga nagkalat na patibong gaya ng mga pampasabog sa naturang lugar kaya’t ligtas na sa ngayon ang mga nag-uuwiang residente.
By Drew Nacino