Nananatili pa rin ang mahigit 1000 pamilyang lumikas sa Bulkang Taal sa mga evacuation centers.
Base sa ulat na inilabas ng Disaster Response Operations, Monitoring and Information Center (DROMIC) ng DSWD, nasa kabuuang 1,113 pamilya na may katumbas na 3, 834 na indibidwal ang nasa 23 evacuation centers sa iba’t ibang bayan sa Batangas.
Samantala, nasa mahigit 6,000 pamilya naman ang apketado ng halos isang buwan nang magsimulang mag-alburuto ang naturang bulkan.
Nagbigay nang mahigit P16 milyong halagang tulong ang DSWD, lokal na pamahalaan at NGOs sa mga apektadong pamilya.
Patuloy naman na minomonitor ng DSWD at LGUs ang sitwasyon at pagbibigay tulong sa mga residente.