Isasailalim sa COVID-19 test ang mga indibidwal o residente na maaapektuhan ng granular lockdown.
Ayon kay Metro Manila Council Chairperson at Parañaque City Mayor Edwin Olivarez, layon nitong mapigilan ang pagkalat ng virus.
Maliban dito kabilang rin sa istratehiya ng pamahalaan ang pinaigting na contact tracing at isolation sa mga mapapasailalim sa paghihigpit.
Ibinabala pa ni Olivarez na asahan na ang ipatutupad na sobrang higpit na granular lockdown.—sa panulat ni Hya Ludivico