Pinagtatanim ng puno ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga Residente sa Surigao na maaapektuhan ng pagsasara ng ilang minahan.
Sinabi ng Pangulo na mainam na magtanim ng rubber tree bilang alternatibong pagkakakitaan ng mga residenteng nawalan ng trabaho sa mga minahan.
Ayon sa Pangulo, may mga bakanteng lupain sa Surigao na maaaring pagtamnan ng rubber tree.
Personal na nakita ni Pangulong Duterte sa Surigao ang mga lugar na nagbago ng anyo dahil sa hindi maayos na pagmimina kaya’t hahayaan aniya niya ang DENR o Department of Environment and Natural Resources na ipatupad ang pagpapasara sa mga minahang lumabag sa mining act.
By Meann Tanbio |With Report from Aileen Taliping