Makakatanggap ng food packs ang mga residenteng magpapabakuna mula sa Rural Health Unit sa Bayan ng Paluan sa Occidental Mindoro.
Nabatid na tuloy-tuloy ang pagbabakuna sa ilalim ng ipinatupad na National Vaccination Drive kung saan, dinagsa ng mga residente ang Municipal Gym sa nabanggit na lugar upang magpabakuna kahit ang kanilang mga Barangay ay malalayo o nasa mga bundok.
Bukod pa dito, marami rin ang nag-volunteer na Health workers para tumulong sa pagbabakuna lalo’t limitado lamang ang mga staff ng Rural Health Unit.
Kabilang sa ipinamigay na food packs ay may lamang 3kls bigas, canned goods at noodles upang mas mahikayat ang mga residente na magpaturok ng bakuna.
Sa ngayon, 24 na araw nang 0 reported COVID Case ang Bayan ng Paluan. —sa panulat ni Angelica Doctolero