Nanawagan na ng tulong ang mga residenteng naapektuhan matapos manalasa ang bagyong Odette sa Surigao City.
Ayon sa ilang mga residente, hirap silang makahanap ng malinis na tubig at makakain dahil back to zero ang kanilang lugar.
Matatandaang winasak ni bagyong Odette ang mga bahay, gusali, sasakyan, mga puno at poste sa ilang mga lugar na isinailalim sa signal no. 3, 2 at 1.
Sa pahayag ng isang residente na kinilalang si kuya Roland, kahit bulok na pagkain ay kanila paring kinakain upang maitawid lang ang kanilang pang-araw-araw na pamumuhay.
Maging ang mga basang bigas ay kanila ring ibinibilad upang mapakinabangan pa ng mga nasalantang pamilya sa lugar.
Sa dagat narin kumukuha ng tubig bilang panligo at panlaba ang mga residente.
Samantala, nanawagan din si Vice-Governor Geed Gokiangkee na sana ay maibalik na sa kanilang lugar ang mga linya ng komunikasyon upang makahingi ng tulong ang mga residente sa kanilang mga kamag-anak sa ibang lugar. — Sa panulat ni Angelica Doctolero