Nananawagan ng donasyong inuming tubig ang lokal na pamahalaan ng Tulunan, Cotabato gayundin ng mga lalagyan para sa mga residenteng naapektuhan ng lindol.
Ayon sa Tulunan LGU, nakararanas ng problema sa mapagkukunan ng malinis na tubig ang mga barangay Dais, Magbok at Paraiso matapos masira ang kanilang water system kasunod ng pagtama ng magnitude 6.5 na lindol, kahapon.
Maliban dito, sinabi ni Tulunan Mayor Reuel Limbungan, nangangailangan din ng mga karagdagang tent para magamit na pansamantalang masisilungan ng mga residente natatakot bumalik sa kanilang mga tahanan dahil sa pagpapatuloy ng aftershock.
Gayundin aniya ng mga maaaring magamit na temporary classroom matapos ding mapinsala ang ilang mga paaralan ng magkakasunod na lindol noong October 16, 29 at 31.