Nanawagan ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology sa mga residente ng Batangas na panatilihing maging alerto at kung hindi importante ang pupuntahan, ay huwag nang lumabas ng bahay.
Ito ang inihayag sa DWIZ, ni PHIVOLCS Dir. Teresito Bacolcol, dahil delikado sa kalusugan ng tao sakaling makalanghap ng sulfur dioxide o asupre na ibinubuga mula sa main crater ng Bulkang Taal.
Ayon pa kay Dir. Bacolcol, patuloy ang aktibidad ng Bulkang Taal kung saan, mahigit pitong libong tonelada kada araw ang ibinubuga nitong volcanic smog dahilan ng kanselasyon ng mga klase sa ilang lugar sa batangas.
Iginiit ni dir. Bacolcol, na tuluy-tuloy ang degassing activity ng taal volcano, pero bumaba na ang sulfur dioxide emission nito kumpara sa dating 9,391 tonelada kada araw na maaaring magresulta ng ibat-ibang uri ng sakit gaya ng ubo at pananakit ng lalamunan.