Pinalilikas na ang mga residenteng naninirahan sa gilid ng bundok sa Davao City dahil sa banta ng pagguho ng lupa.
Kabilang sa mga tinungo ng mga opisyal ng City Disaster Risk Reduction and Management Office (DRRMO) at Mines and Geosciences Bureau ang Sitio Barrio sa Barangay Maa.
Nakita rito ang malalaking tipak ng bato na posibleng gumuho sakaling muling lumindol.
Tiniyak naman na may tutuluyang evacuation center ang mga pinalilikas na residente.
Samantala, handa naman umanong sumunod ang mga residente para na rin matiyak ang kanilang kaligtasan.