Kaagad nailikas ng provincial government ng Albay ang mga residente mula sa coastal areas ng lalawigan.
Ito, ayon kay Albay Governor Al Francis Bichara, ay dahil sa lakas ng alon dulot ng Bagyong Bising bagamat hindi naman kalakasan ang ulan.
Sinabi sa DWIZ ni Bichara na nais lamang niyang magsiguro na walang madidisgrasyang residente sa coastal areas sa buong magdamag at inaasahang magbabalikan na rin sa kani kanilang mga bahay ngayong araw na ito.
Ilan naman aniya sa mga apektadong residente ay nagpasyang makitulog muna ng isang gabi sa kani-kanilang mga kaanak.
Marami ang nai-evacuate namin kahapon sa may shore line, sa may pampang ng dagat. Siguro mga almost 30,000 din. Sabi ko overnight lang ito, pasensya na dahil kailangan, pero totoo, malakas ang mga alon, pumapasok sa mga bahay nila sa shore line, malakas talaga ‘yung alon. Ngayon umuulan pa naman, pero malayo na ‘yung bagyo, pero umuulan pa rin dito,” ani Bichara. —sa panayam ng Balitang Todong Lakas