Nakatanggap ng ayuda ang ilang mga residenteng naapektuhan ng bagyong Maring sa Ilocos Sur.
Ito ay matapos mamahagi ng relief goods at hygiene kits ang ilang lugar sa nasabing probinsya kabilang na ang pamahalaang lokal ng barangay Villa Hermosa Sa Sta. Cruz, Ilocos Sur.
Matatandaang nagkaroon ng makapal na putik ang mga kalsada habang nawasak naman ang mga taniman sa naturang probinsya dahilan para mahirapang makadaan ang mga residente habang ang iba naman ay walang kakayahang bumili ng kanilang pangangailangan dahil sa naluging mga pananim.
Sa ngayon ay patuloy sa pamamahagi ng ayuda ang lokal na pamahalaan ng Ilocos Sur.—sa panulat ni Angelica Doctolero