Nagbabala ang pamahalaang panlalawigan ng Laguna sa mga may-ari ng resort sa kanilang lugar na tatanggap pa rin ng mga bisita ngayong Semana Santa.
Ito ang inihayag sa DWIZ ni Laguna Gov. Ramil Hernandez kasunod ng anunsyo ng malakaniyang na isailalim muli sa enhanced community quarantine (ECQ) ang mega Manila sumula Lunes, Marso 29.
Ayon sa gubernador, posibleng maharap sa pagpapasara at matanggalan ng lisensya ang mga resort owner na hindi tatalima sa kautusan ng gubyerno.
Dahil dito, pinapayuhan ni Hernandez ang mga may-ari ng mga resort na mag-alok ng re-booking sa kanilang mga kliyente na una nang naglatag ng kanilang reservation.