Pinagbigyan ng DOJ o Department of Justice Panel of Prosecutors ang hirit na extension ng isa pang suspek sa rent-sangla scam na si Anastacia Cauyan.
Ito’y para makapagsumite ng kaniyang karagdaghang counter affidavit sa Abril 20 ng taong kasalukuyan.
Kahapon, muling nagharap sa pagdinig ng DOJ ang mga suspek na sina Rafaela Anunciacion at Tychicus Nambio para harapin ang reklamong kriminal na isinampa laban sa kanila ng PNP Highway Patrol Group.
Kasunod nito, binigyan din ng DOJ ang HPG ng hanggang Abril 28 para makapagsumite ng kanilang reply affidavit sa mga isinumiteng kontra salaysay ng mga respondent.
By: Jaymark Dagala / Bert Mozo