Peke ang mga pirma sa mga dokumento na naging basehan upang maisulong ang mga kasong malversation, graft, at direct bribery laban sa ilang respondent sa pork barrel fund scam.
Ito ang muling iginiit sa DWIZ ni Cagayan de Oro City 1st District Representative Rufus Rodriguez na inaakusahang nakinabang ng mahigit P2 milyong piso sa pamamagitan ng pag-endorso ng mga proyekto ng mga pekeng Non-Government Organizations o NGO’s ni Janet Lim-Napoles.
Paliwanag ni Rodriguez, katunayan ay lumabas sa pagsusuri ng National Bureau of Investigation o NBI na hindi nga niya tunay na pirma ang mga nasa dokumento na siyang dahilan kaya naisampa ang mga kasong kriminal laban sa kanya sa Ombudsman.
Aniya, sasampahan niya rin ng kasong forgery ang responsable sa pamemeke ng kanyang pirma.
“I’m going to file forgery against those who are in that bogus corporation, so the officers there are presumed to be the one, they were the ones who forged my signature.” Pahayag ni Rodriguez.
By Jelbert Perdez | Sapol ni Jarius Bondoc