Papayagan na ng pamunuan ng Department of Trade and Industry (DTI) ang mga restawran at fastfood business na magbenta ng lahat ng uri ng pagkain kabilang na ang mga alcoholic drinks simula sa Hulyo 21.
Bukod pa rito, papayagan na ring mag-operate ang mga kainan sa mas mahabang oras, hanggang 11 p.m.
Nauna rito, inilabas na ng DTI ang implementing rules and regulations (IRR) hinggil sa kautusan.
Kasunod nito, nakiusap ang DTI sa mga local government units (LGUs) na i-adjust at palawigin ng mga ito ang curfew hours ng hanggang sa 12 m.n., ito’y para mabigyan naman ng panahong kumita ang mga may-ari ng mga kainan maging ang mga manggagawa na.