Muling nilinaw ni Department of Trade and Industry (DTI) Sec. Ramon Lopez na hindi nila ipapasara nang tuluyan ang mga restaurant at fast-food chain na hindi makakatupad sa health protocols at guidelines sa muli nilang pagbabalik-operasyon sa ilalim ng General Community Quarantine (GCQ).
Sa ginanap na virtual hearing ng Trade and Industry Committee sa Kamara, sinabi ni Lopez na pansamantala lamang ang gagawing pagpapasara upang bigyan ng panahon na maitama at magawa ang mga dapat sa panahon ng GCQ.
Bukod dito, tiniyak din ni Lopez na sa halip na sa modified GCQ ay sa GCQ pa lamang ay papayagan nang mag-operate muli ang mga restaurants at fast-food chains ng 30% hanggang 50%.