Nilinaw ni Resto PH President Eric Teng na wala pang food shortage sa bansa at hindi pa ito nararamdaman sa fastfood at restaurant industry.
Stable pa anya ang food production sa Pilipinas at maaari pa naman silang kumuha ng kanilang raw food materials sa mga local farmer sa halip na mag-import ng supply.
Aminado si Teng na nahihirapan ang ilang maliliit na restaurant owner na kumuha ng mga imported supply.
Hinikayat naman ni Teng ang mga restaurant at fastfood chain owner na gumamit ng mga altenatibong sangkap gaya ng rice flour o kamote flour sa halip na harina upang maiwasang magtaas ng presyo ng kanilang produkto.