Nakahanap ng panibagong pamilya ang mga retiradong anti – narcotics dogs ng PDEA o Philippine Drug Enforcement Agency.
Ayon kay PDEA Director General Aaron Aquino, sumailalim sa screening at interview ang mga aplikante para malaman kung may kakayahan ang mga ito na mag ampon ng mga k9.
Mula sa 32 aplikante ay 13 lamang ang nakapasang mapahintulutan na mag ampon sa mga aso.
Ang naturang mga hero dogs ay nakasama sa mga operasyon ng PDEA sa search and seizure operations sa mga bilangguan at checkpoints sa mga paliparan, transport terminal at mga pantalan sa buong bansa.