Nanawagan ang grupo ng mga retiradong militar at police officers kay Pangulong Rodrigo Duterte na ipaglaban ang West Philippine Sea laban sa China.
Ayon kay Ret. Lt. Gen. Edilberto Adan, chairman of the Advocates for National Interest, tinapakan at nilalabag ng China ang karapatan at soberanya ng Pilipinas dahil sa ginagawa ng mga itong pang-aangkin ng teritoryo.
Giit ni Adan, sa ilalim ng konstitusyon, kabilang ang Commander in Chief, na siyang pangulo ng bansa, ay may obligasyon na ipagtanggol ang soberanya at karapatan ng bawat teritoryo ng Pilipinas na nakatatanggap ng banta laban sa mga mananakop.
Binigyang pansin din ni Adan ang aniya’y mga kontra-kontrang pahayag ng administrasyong Duterte kaugnay sa West Philippine Sea na nagpapahina umano ng laban ng Pilipinas sa pinag-aagawang teritoryo.