Mananatili sa dating pension system ang mga retired AFP member o mga pensyonadong miyembro ng Armed Forces of the Philippines (AFP).
Kasunod ito ng pagpapatupad ng bagong Military and Uniformed Personnel (MUP) pension system dahil sa ₱9.6 trillion na halaga ng “Unfunded Pension Liabilities” na lalong lalaki kung magpapatuloy ang kasalukuyang sistema.
Ayon kay Department of Finance (DOF) spokesperson Director Valery Joy Brion, sakaling maipasa ang naturang hakbang, ire-required na sa mga bagong miyembro ng AFP ang pag- apply nito.
Habang mananatili naman sa ilalim ng kasalukuyang pension system ang mga kasalukuyang miyembro ng AFP.—sa panulat ni Angelica Doctolero