Hindi maaaring gamitin ang roof top ng isang gusali o establisimento o kaya ay waiting shed para maging smoking area matapos maging epektibo ngayong araw na ito ang smoking ban sa mga pampublikong lugar sa buong bansa.
Sinabi sa DWIZ ni Health Assistant Secretary Dr. Eric Tayag na malinaw na nakasaad sa Executive Order ni Pangulong Rodorigo Duterte na kailangang mayroong designated smoking area kayat dapat na sumunod ang mga establisimento.
Kailangan aniya ay kuwarto at may buffer zone at exhaust para matiyak na hindi maapektuhan ang mga hindi naninigarilyo.
Ipinaalala ni Tayag na may katapat na multa at pagkakulong ang mga mahuhuling lumalabag sa smoking ban .
By: Aileen Taliping
Mga rooftop at waiting shed di pwedeng gawing smoking area – DOH was last modified: July 23rd, 2017 by DWIZ 882