Inihayag ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na umabot na sa halos 1,000 ruta ang binuksan sa ilalim ng mas maluwag na restriksiyon sa bansa.
Ayon sa LTFRB, mula sa dating 5,000 units, umabot na sa 6,000 units ang bumibiyahe sa mga pangunahing kalsada.
Sa panayam ng DWIZ, sinabi ni LTFRB Executive Director Kristina Cassion, na maraming operators at drivers ang nakilahok sa inilunsad na programa ng ahensya sa ilalim ng Administrasyong Duterte kung saan, trumiple ang bilang ng mga commuter na nabigyan ng benepisyo sa libreng sakay program ng pamahalaan.
Sinabi ni Cassion na hindi narin bumibiyahe ang karamihan sa mga commuter na may sariling sasakyan para makabenepisyo sa libreng sakay para makatipid dahil sa mataas na presyo ng langis at mga pangunahing bilihin.