Pinapayagan na muli ang operasyon ng mga sabungan sa lahat ng lugar na nasa ilalim ng alert level 2.
Ngunit ayon kay Acting Presidential Spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Nograles nakadepende sa mga local government unit (LGU) kung pahihintulutan ang operasyon ng sabungan sa kanilang nasasakupan.
Aniya 50% lamang ng venue capacity ang papayagan at dapat na fully-vaccinated ang mga pupunta sa mga sabungan.
Sinabi pa ni Nograles na kailangang bakunado na ang lahat ng manggagawa o empleyado ng sabungan, cashless ang tayaan at gumamit ng technology-based platform upang maiwasan ang physical contact.
Dapat rin aniyang bantayan ng mga lokal na pamahalaan ang mga sabungan upang matiyak na nasusunod ang health protocols sa lahat ng pagkakataon.