Sinibak na sa puwesto ang mga dating opisyal at mga tauhan ng PNP Special Action Force na kinasuhan ng plunder o pandarambong.
Ito’y dahil sa mga hindi naibigay na daily subsistence allowance na nagkakahalaga ng humigit kumulang 60 Milyong Piso.
Ayon kay PNP Spokesman C/Supt. John Bulalacao, sibak na sa tungkulin si dating SAF commander ngayo’y pinuno ng Directorate for Integrated Police Operations sa Southern Luzon na si Director Benjamin Lusad.
Sibak din sa puwesto si dating SAF Budget and Fiscal Officer S/supt. Andre dizon at mga tauhan nito na sina SPO2 maila Salazar Bustamante at SPO1 James Irica.
Paliwanag ni Bulalacao, nasa floating status ngayon ang mga sinibak na pulis upang bigyang daan ang gumugulong na imbestigasyon ng Ombudsman hinggil sa usapin.